DRAMA
" Masayang maganak "
May isang pamilya na nakatira sa isang barong barong. Kahit na sila ay kulang sa pagkain
ay masaya parin sila.
Pia: Kuya malapit na ang pasko ano kaya ang handa natin
Carlo: Hindi ko lamang pero maghahanap ako ng pagkakakitaan para magkaroon tayo ng handa
sa darating na pasko.
Habang naguusap sila ay dumating na ang kanyang magulang sa kanilang trabaho.
Ina: Anong ginagawa ninyo mga anak?
Pia: Mano po nay. Napagusapan lang po namin ni kuya kong ano po ba ang handa natin sa
darating na pasko.
Tatay: Sorry mga anak pero pipilitin ko para magkaroon tayo ng handa sa darating na pasko
Kuya Carlo: Okay lang iyon Tay basta sama sama tayo
Habang naguusap sila ay tinawag na sila ng para kumain.
Ina: Tara at kumain.
Pia: Sige po inay papunta na po kami.
Habang papunta siya sa kusina ay nakita niya ang kaniyang Ina na nakahawak sa kanyang
dibdib at nahihirapan na huminga.
Pia: Tay , Kuya si Mama hindi makahinga.
Tatay: Carlo humingi ka ng tulong sa kapitbahay para maisugod sa hospital ang Inay mo.
Kuya Carlo: Sige tay.
Habang tumatakbo papalabas si Carlo ay lumuluha siya.
Kuya Carlo: Mga kapitbahay tulong po.
Mang Silo: Anong nagyari Carlo?
Kuya Carlo: Si Inay po hindi makahinga.
Mang Silo : Sige kukunin ko ang jeep ko.
Kuya Carlo: Salamat po.
Patakbong pabalik si Carlo sa bahay.
Kuya Carlo: Tay may sasakyan na po.
Tatay : Sige
Makalipas ang ilang oras ay nakapinta na sila sa hospital at inusisa ng doctor kung ano ba
ang nangyari sa kanyang ina.
Tatay: ano pong nangyari sa asawa ko?
Doctor : Siya po ay nagkaroon nag heart attack po ang iyong asawa pero pasalamat po tayo at
naagapan po ninyo na ipunta siya rito pero okay na po ang kalagayan niya kailangan niya lang
po na uminom nalang gamot na kailangan at magpahinga.
Tatay : Salamat po doc. Pasalamat tayo sa diyos at hindi pinabayaan ang iyong ina.
Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na ang ina nila Carlo at Pia at masaya silang sumalubong sa pasko .